:O)




Faith, Hope and Love are "the things that last,"

Monday, August 27, 2012

Tsinelas


“Tsinelas leadership” yan ang Estilo mo
Sa ilang dekadang pamamalakad lahat ay nabago mo
Ang isang lugmok na syudad dahan-dahan mong inangat
Mula sa third world nagbago ang imahe nito
Mga inbestor nagtiwala sayo
Sapagkat tapat ang serbisyo at pamumuno mo
Mga eskwater sa riles inilipat mo
Kanilang tirahan ngayon ay masayang tahanan
Tinawag mo itong MAOGMA, na ibig sabihin MASAYA
Sapagkat para sayo PAMILYA ang dapat MAUNA

Isa kang simpleng lider, at isang mabuting ama ng bayan
Ni minsan hindi ka nagmataas sa kabila ng iyong katayuan
Ang puso mo ay tapat sa iyong mga kababayan
Imbes mamahaling sapatos, at magagarang sasakyan
Ikaw ay naglalakad gamit at tsinelas lamang,
At Nag-iikot ka sa bayan mong mahal gamit ang biseklitang de pedal lamang
Sinusukat mo ang oras sa relong Timex na suot mo
Wala kang sariling driver, terminal ng bus sa cubao doon sa bikol ang tungo mo
Kapag gusto mong umuwi sa pamilya kahit mahabang byahe eni-enjoy mo

Ganito ka mamuhay isang ordinaryong mamayan
Kaya lahat sayo’y mataas ang pag galang
Marunong kang makibagay sa karamihan

Ngayon naluklok ka sa mataas na katungkulan
Nanatili kang simple, at tapat sayong bayan
Lahat ng gawa mo, hindi mo pinangalandakan
Di tulad ng iba...kung kumilos ay epal
Sariling interest ang pinangangalagaan
Sarili muna bago ang bayan

Ngunit bakit kung kelan nasimulan na
Ang unti-unti paglilinis sa ating bayan
Saka ka naman kinuha ng POONG MAYKAPAL
Sa iyong pag panaw, ang pangarap na pagbabago ay natunaw
Sadya nga bang pag ang tao ay mabait nauuna sa pagpunta sa langit?
Gaya ng iyong pagkawala kami ay hindi handa
Maiiwanan kami na nagluluksa
Para kaming mga anak na naulila
Sa isang ama na mapagmahal sa mga aba
Alam namin gusto magpatuloy ang lahat
Ayaw mo ang lahat ng iyong nasimulan mauwi sa wala
Kaya sisikapin naming sa pamamagitan ng mabuting gawa
Mga alala mo mananatiling buhay ngayon at sa susunod na bukas
Nawa’y tularan ka ng mga nagseserbisyo sa bayan
Malinis at matapat lamang

Mahal ka namin SEC JESS. RIP..... L



Mermaid

This is just a quick post... loving this video a lot.... Kudos to Gloc 9 you're doing great... MABUHAY KA!

http://www.youtube.com/watch?v=3nKmv5oDzBw&feature=youtube_gdata_player

Saturday, August 11, 2012

Habagat


Isa ka lang uri ng panahon, ngunit daig mo pa ang bagyo
Walang patid ang buhos mo metro-metrong tubig ulan sa bayan ko
Mga baradong kanal, at basurang nakatago lumitaw dahil sayo
Mga tao nagulat sa ngitngit mo
di nila akalain ganun ka kamisteryoso
ikinumpara ka kay “ONDOY” isang matinding bagyo
ngunit iba ka mamerwisyo
hindi lang isang araw humigit ka pa sa isang lingo
sa lawak ng napinsala mo, madami ang lumuha sayo
dumadaing na sana’y tigilan mo
ang pag dala mo ng matinding baha at pag lunod sa mga tao
baha dito, baha doon... wala ng mapaglagyan sayo
umaapaw ka na masyado
dami na ang natrauma sa pag sakop mo
sa mga kalupaan na tinitrihan ng tao

ngunit di ka rin masisi
taon-taon bisita ka dito
di lang kami handa sa lakas ng hagupit mo
kung sana’y na anticipate naming mga tao
na ano mang kalamidad kelangan laging alerto
wag i-asa sa iba ang kaligtasan ng sarili mo
makinig, mag matyag at wag matigas ang ulo
ano mang babala laging isa ulo
ng waiwasan ang ganitong delubyo
ang pag wasak sa buhay ng tao
ay kagagawan  din nito
ang pag abuso sa paligid, at paghamak dito
mga duming ikinalat, punong sinibak
mga gawaing di karapat dapat
dumating na ang panahon na tayo ay may katapat
ang paniningil ni HABAGAT na HEAVY-GAT ......

Friday, August 10, 2012

Sunshine


Ang ngiting nagbibigay liwanag sa sambayanan
Liwanag na hatid mo, ay pag asa sa karamihan
Ano mang sungit na panahon, at pagbalot ng ulap sa iyong kagandahan
Manatiling kang hari at matayog ang kinalalagyan
Ang mainit mong pagmamahal ang mapapatingkad sa langit at kalupaan
Higit ka pa sa ginto nakakasilaw ang iyong kapangyarihan
Ikaw ay nag aalab, hugis mo’y bilog ang pag ibig mo ay walang haggan
Nawa’y mag silbi kang aming ilaw, kami’y wag hayaang manitili sa kadiliman.




Tuesday, August 07, 2012

Basura


Basura ikinalat na parang kabute na kahit saan-saan na lang
Sa kalsada, estero sila’y nakasamapay
Kumpol-kumpol  ang masang-sang na amoy sa ilong tumatambay
Nakakadiring tingnan  mga nabubulok na laman  mga langaw pinag pyepyestahan
Halo-halong plastic, bote at Styrofoam
Na syang sanhi ng pagbaha sa sa barangay man at sa bayan
mga basurang tinapon na kahit saan ay naka abang
sa daluyan ng mga tubig, sila’y nanahan
lumulutang at sumabasay sa agos ng tubig ulan

may kasabihan tayo: ang basurang tinapon mo babalik sayo
mga gintong kasabihan na pawang totoo
mga bagay na minsan kinalimutan
bumalik sa ating mga tahanan
nagpapaalalang pahalagahan mga bagay na dapat isa alang alang
tunay na dapat nating pangalagaan ang ating paligid at inang kalikasan
ang pagdisiplina sa sarili ang syang kailangan
nakasalalay ang lahat sa ating mga kamay
ano mang mali at paglalapastangan
ang karma ay babalik at ito’y ating pagdudusahan
mga gawang mali na ating pagsisihan 
na laging sa huli tayo ay manghihinayang




Ulan 2


Masarap isiping na ang pag ulan ay isa sa mga panahon mapapatigil ka sa bahay ito rin ang sandaling maghahanap ka ng pagkain swak sa malamig na oras na sa pag kain ng sinigang at nilaga sa mainit na kanin,  champorado na may tuyo at ibang pagkain perpekto sa tag-ulan, ang makatulog ng mahimbing dahil sa lamig ng panahon, at pag masid sa ulan pumapatak sa ating mga bubungan napakaraming masasayang gawain ang naidudulot ng ulan.




subalit sa ganitong sitwasyon na baha na sa labas na at halos lahat ng tao ay may ini indang reklamo dahil ang ulan ay sinira na ang kanilang kabahayan, inanod na ang mga gamitan pati na ang kanilang kabuhayan, mapapaisip ka na lang na dapat bang mag saya na lang sa gitna ng ganitong sama ng panahon? Subukan ko man pero mas nangingibabaw ang pag alala, sa mga lugar na apektado at mga kababayang nahihirapan  nakakahabag ang  kinalaglagyan nila, basang basa walang masilungan gutom na gutom at nanginginig ang mahinang katawan mga batang walang kamaymalay na takot sa rumaragasang tubig sa kanilang kabahayan, mga taong  hindi maiwanan ang mga sariling bahay at kagamitan, mas takot silang wala na silang mababalikan.

Maraming di makakilos, makapunta sa trabaho at maka punta sa paaralan, marami ang na trapped na sa kani-kanilang lugar, marami na rin lumilikas at mga nag paiwan.
Napakahirap, sana sa susunod na araw bumuti na ang panahon para bumalik na sa normal ang buhay nating lahat...

Oh God please protect us. Stop the rain...

Monday, August 06, 2012

Baha


Isang linggong walang patid ang ulan
Isang lingo naghihirap ang sambayanan
Mga, parke, eskwelahan, palengke’t simbahan
Napapalibutan ng tubig na sanhi ng ulan
Mga kabahayan, kalsada at gusali wala ng pinipili
Patuloy sa pag agos, pag pasok at pag wasak sa tahanang munti
Lubog na ari-arian, basang basa pa sa kalungkutan
Kumakalam na sikmura, lamig sa buong katawan
Ramdam ang ngitngit ng kalakisan, ang lupit tagos sa laman
Mga saksakyan na dati hari ng kalsada, ngayon lumulutang na,
Mga Bangka dating ginagamit sa dagat ngayon nasa kalye na
Iba na, iba na.. ako’y nababahala na, panahong ito dulo’t ay pinsala
Wala na tayong lupang makita,  ang bayan  waterworld na
Tama na, tama na, nawa’y tumigil  na kami’y wala ng lakas kung ito’y ay magpapatuloy pa
Hindi ako handa sa ganitong eksena sapagka’t akoy walang buta at salbabida
Ayaw kung mamatay sa pagkalunod sa baha
Ito’y walang hustisya.


Ulan


Ang ulan ay isang biyaya mula sa kalingitan
Hatid  nito ay magandang pag usbong ng mga bulaklak at mga halamang uhaw na uhaw
 sa mga tuyong kalupaan...

sa malalim na kahulugan

para sa iba ito ay isang romatikong panahon  para sa mga tayong punong puno ng pagibig at pag asa
ang pagtampisaw sa ulan at sa patuloy na pag agos nito kasabay ng tuwa at kagalakan
bagamat sa iba’y panibugho at kalungkutan na sumisimbulo sa madilim na kalangitan
ang pag buhos mula sa langit, ay kasabay ng pag iyak sa mga ala-alang kumukurot haggang sa kailaliman ng damdaming pinabibigat ng mga nakalipas na pangyayari...

dalawang magka- ibang damdamin, dalawang pananaw na na dala ng mahiwagang ulan..
ano pa man ang dulot nito ating sariwaan ang momentong nag papa labas ng ngiting matatamis sa kabila ng pag luha ng langit.