:O)




Faith, Hope and Love are "the things that last,"

Saturday, June 16, 2012

No to mining please...


Medyo conflicting ata ang campaign ng it’s more fun in the Philippines sa totoong kondisyon ng bayang kung pilipinas nakaka depress at nakakatakot isiping na malaking bahagi ng pilipinas na sinisira ng mga ng mining industries (i'm watching TED FAILON) lalo na sa bahagi ng surigao at sa Palawan iba pang bahagi ng pilipinas, dahil sa pagpapahintulot ng local na pamahalaan ay malaya silang nakaka patuloy ng kanilang operasyon na sa kasamaan ay tuluyang nakakasisira sa mga kabuhayan ng mga maralitang tao at pati ang pagkasira ng kalusugan ng bawat mahihirap. Sa mga hindi pagtupad ng mga pangako sa pagtulong kapalit ng pag wasak ng kalikasan at sa pag unti unting pagpatay sa kabuhayan.  Ganito kung pano tayo pagsamantalahan ng mga ganid na mga may kapangyarihan, iniiwan tayong lugmok sa gitna ng sitwasyong wala na tayong magagawa. Dahil sa mahinang pwersa ng mahihirap idadaan na lang natin sa walang katapusang  pagluha at dasal na sana’y minsan marinig ang ating  mga daing na tila’y wala ng kalutasan.

Inang Pilipinas


Ang yaman ng pilipinas ay para sa mga Pilipino
Hindi sa mga dayuhang gusto mag samantala dito
Kaya’t pag yamaning maiigi likas na yaman hindi lamang ginto
Magpasalamat  sa Ulan na nagdidilig sa kalupaan ng bansang ito
Maswerte tayo hindi tayo binigyan ng desyerto, at sagana sa mineral at iba pang mga bato
Nabubuhay tayo na may mga matatabang halaman, at luntiang kagubatan
Nasisikatan tayo ng araw na nagpapatingkad sa asul na karagatan
Ang mga isdang naninirahan sa ilalim ng dagat, nagbibigay buhay at kagandahan
Mga hanging sariwa, nagpapasayaw sa mga damuhan at ligaw na mga bulaklak
Mga ibong malayang nakakalipad, umaawit na ang tinig haggang langit
At iba pang hayop na malayang nakaka gala sa kabundukan
Rumaragasang tubig sa ilog, sapa at batis na kasing tamis ng isang bagong pag ibig
At mga pagkaing biyaya mula sa langit na walang patid
Pilipinas ikaw na nga napaka yaman at pinagpala
Lupang masagana at marangya
Sana’y pag ingatan ka, na ang katawan mo’y di masira
Wag ka sanag ipagpalit
Ng mga taong  nasisilaw sa salapi, 
Manatili ka kanlungan ng mga abang lahi
Mga nag aalab mong yakap, sa puso nanatili
Ikaw lang ang mag sasalba sa mga susunod na salinlahi
Nawa’y andyan ka parati 
matatag at matayog sa pagtindig
at Nakaalay Sa pag pagtanaw sa nakaraan at pagsalubong sa  umagang minimithi
ningning mo'y mag gagabay sa aming magandang kinabukasan
Ikaw lang sa huli ang aming pupuntahan
sapagkat ikaw ang aming tahanan
ang aming nag iisang inang bayan