Masarap isiping na ang pag ulan ay isa sa mga panahon
mapapatigil ka sa bahay ito rin ang sandaling maghahanap ka ng pagkain swak sa
malamig na oras na sa pag kain ng sinigang at nilaga sa mainit na kanin, champorado na may tuyo at ibang pagkain
perpekto sa tag-ulan, ang makatulog ng mahimbing dahil sa lamig ng panahon, at
pag masid sa ulan pumapatak sa ating mga bubungan napakaraming masasayang
gawain ang naidudulot ng ulan.
subalit sa ganitong sitwasyon na baha na sa labas na at
halos lahat ng tao ay may ini indang reklamo dahil ang ulan ay sinira na ang
kanilang kabahayan, inanod na ang mga gamitan pati na ang kanilang kabuhayan,
mapapaisip ka na lang na dapat bang mag saya na lang sa gitna ng ganitong sama
ng panahon? Subukan ko man pero mas nangingibabaw ang pag alala, sa mga lugar
na apektado at mga kababayang nahihirapan nakakahabag ang kinalaglagyan nila, basang basa walang
masilungan gutom na gutom at nanginginig ang mahinang katawan mga batang walang
kamaymalay na takot sa rumaragasang tubig sa kanilang kabahayan, mga taong hindi maiwanan ang mga sariling bahay at
kagamitan, mas takot silang wala na silang mababalikan.
Maraming di makakilos, makapunta sa trabaho at maka punta sa
paaralan, marami ang na trapped na sa kani-kanilang lugar, marami na rin lumilikas
at mga nag paiwan.
Napakahirap, sana sa susunod na araw bumuti na ang panahon
para bumalik na sa normal ang buhay nating lahat...
Oh God please protect us. Stop the rain...

No comments:
Post a Comment