:O)




Faith, Hope and Love are "the things that last,"

Monday, August 06, 2012

Baha


Isang linggong walang patid ang ulan
Isang lingo naghihirap ang sambayanan
Mga, parke, eskwelahan, palengke’t simbahan
Napapalibutan ng tubig na sanhi ng ulan
Mga kabahayan, kalsada at gusali wala ng pinipili
Patuloy sa pag agos, pag pasok at pag wasak sa tahanang munti
Lubog na ari-arian, basang basa pa sa kalungkutan
Kumakalam na sikmura, lamig sa buong katawan
Ramdam ang ngitngit ng kalakisan, ang lupit tagos sa laman
Mga saksakyan na dati hari ng kalsada, ngayon lumulutang na,
Mga Bangka dating ginagamit sa dagat ngayon nasa kalye na
Iba na, iba na.. ako’y nababahala na, panahong ito dulo’t ay pinsala
Wala na tayong lupang makita,  ang bayan  waterworld na
Tama na, tama na, nawa’y tumigil  na kami’y wala ng lakas kung ito’y ay magpapatuloy pa
Hindi ako handa sa ganitong eksena sapagka’t akoy walang buta at salbabida
Ayaw kung mamatay sa pagkalunod sa baha
Ito’y walang hustisya.


Ulan


Ang ulan ay isang biyaya mula sa kalingitan
Hatid  nito ay magandang pag usbong ng mga bulaklak at mga halamang uhaw na uhaw
 sa mga tuyong kalupaan...

sa malalim na kahulugan

para sa iba ito ay isang romatikong panahon  para sa mga tayong punong puno ng pagibig at pag asa
ang pagtampisaw sa ulan at sa patuloy na pag agos nito kasabay ng tuwa at kagalakan
bagamat sa iba’y panibugho at kalungkutan na sumisimbulo sa madilim na kalangitan
ang pag buhos mula sa langit, ay kasabay ng pag iyak sa mga ala-alang kumukurot haggang sa kailaliman ng damdaming pinabibigat ng mga nakalipas na pangyayari...

dalawang magka- ibang damdamin, dalawang pananaw na na dala ng mahiwagang ulan..
ano pa man ang dulot nito ating sariwaan ang momentong nag papa labas ng ngiting matatamis sa kabila ng pag luha ng langit.