Ang ulan ay isang biyaya mula sa kalingitan
Hatid nito ay
magandang pag usbong ng mga bulaklak at mga halamang uhaw na uhaw
sa mga tuyong
kalupaan...
sa malalim na kahulugan
para sa iba ito ay isang romatikong panahon para sa mga tayong punong puno ng pagibig at
pag asa
ang pagtampisaw sa ulan at sa patuloy na pag agos nito
kasabay ng tuwa at kagalakan
bagamat sa iba’y panibugho at kalungkutan na sumisimbulo sa
madilim na kalangitan
ang pag buhos mula sa langit, ay kasabay ng pag iyak sa mga
ala-alang kumukurot haggang sa kailaliman ng damdaming pinabibigat ng mga
nakalipas na pangyayari...
dalawang magka- ibang damdamin, dalawang pananaw na na dala
ng mahiwagang ulan..
ano pa man ang dulot nito ating sariwaan ang momentong nag
papa labas ng ngiting matatamis sa kabila ng pag luha ng langit.

No comments:
Post a Comment