Ber na naman, lahat ay Masaya ang pasko ay papalapit na
Mga tao ay busy na, mga lansangan puno na ng nagtitinda at
buhol-buhol ang trapik sa kalsada
Simula na ng paghahanda
Ang pagsabit ng ng palamuti
sa bintana, parol na nag ningning ang kagandahan
Mga dekorasyon sa bahay, ang mataas na christmas tree nanay
Namumutiktik ng Christmas balls pati musika na Christmas carols
nakikisabay
Maliliit na ilaw nagpapasayang tunay, kumutikutitap sa
musika nitong taglay
Mga regalong na nakabalot sa pasko ay bubuksan
Mga pagkain espesyal, hamon at keso nakalatag sa hapag
kainan
Sabay-sabay na kakainin sa noche Buena
Ngunit bago sumapit ang noche buena, ang pamilya lalabas
para mag simba
Doon sa simabahan tayo ay nagsasama-sama, magpapasalamat sa
lahat ng biyaya
At ipagdiwang ang kaarawan ng tunay na bida... si hesus at
wala ng iba pa
Ng dahil sa pasko lahat ay Masaya, nagkakaisa, nagmamahalan
at nagbibigayan
Ito ang diwa na dapat di kalimutan, kahit di pasko’y sanay
manitiling buhay ang pagmamahalan magpakaylanman

