:O)




Faith, Hope and Love are "the things that last,"

Saturday, September 22, 2012

Ding-dong! Pasko na naman

Ber na naman, lahat ay Masaya ang pasko ay papalapit na
Mga tao ay busy na, mga lansangan puno na ng nagtitinda at buhol-buhol ang trapik sa kalsada
Simula na ng paghahanda
Ang pagsabit ng ng palamuti  sa bintana, parol na nag ningning ang kagandahan
Mga dekorasyon sa bahay, ang mataas na christmas tree nanay
Namumutiktik ng Christmas balls pati musika na Christmas carols nakikisabay
Maliliit na ilaw nagpapasayang tunay, kumutikutitap sa musika nitong taglay
Mga regalong na nakabalot sa pasko ay bubuksan
Mga pagkain espesyal, hamon at keso nakalatag sa hapag kainan
Sabay-sabay na kakainin sa noche Buena
Ngunit bago sumapit ang noche buena, ang pamilya lalabas para mag simba
Doon sa simabahan tayo ay nagsasama-sama, magpapasalamat sa lahat ng biyaya
At ipagdiwang ang kaarawan ng tunay na bida... si hesus at wala ng iba pa
Ng dahil sa pasko lahat ay Masaya, nagkakaisa, nagmamahalan at nagbibigayan
Ito ang diwa na dapat di kalimutan, kahit di pasko’y sanay manitiling buhay ang pagmamahalan magpakaylanman

No comments:

Post a Comment