:O)




Faith, Hope and Love are "the things that last,"

Sunday, June 17, 2012

Para sa iyo aking AMA


Ikaw’y nangibang bansa nung ako’y bata pa
Kasama ako sa paghatid sayo sa NAIA
Ako’y tatlong taon halos walang pang maala
Sa paglisan mo ako’y kumaway pa
Si nanay bitbit ako na malungkot  lumuluha pa
Yakap nya ako ng mahigpit, ramdam ko na sya nangungulila
Sa pag alis mo tangan mo ay pag asa
Isang pangarap na na binuo sa simula pa
At doon sa Saudi Arabia ay nag sumikap ka
Sa pamamagitan ng sulat ay nag kwento ka
Di nag laon, boses mo ni record mo pa
Nagpadala ka ng mga larawan mga ngiti mo’y kaaya aya
Si nanay ay tuwang tuwa sa sitwasyon mong Masaya
Pati si kuya at ate na mi-miss ka ng sobra
Ang mga padala mong laruan kakaiba nga naman talaga
Ito ay puro imported at di baterya
Sa mga kalaro naming kami lagi ay bida
Mga laruang tumutunog sa amin lahat ay nagpapasaya
Ibinigay mo lahat, nagsipag ka para saming lahat
Tiniis mo ang hirap at init na sumusunog sa iyong balat
Mabigay lang ang magandang buhay para sa aming lahat
Ang malayo ka ay isang sakripisyong matatawag
kapalit ang pag tupad para sa aming mga pangarap
para sayo’y kami ang inspirasyon sa iyong pagsisikap
kaya’t wala sa bokabularyo mo ang mga katagang “give-up”
bilang isang haligi, nanatili kang matatag
ano mang unos, nagpagtagumpayan nating lahat
buo lagi ang loob mo sa pag tanggol mo saming lahat

hinubog mo kami sa salita ng Dios na nakakataas
na may takot at kababaang loob
di mo man samin nabigay ang lahat ng luho
maliwanag samin ang salitang kuntento
hindi ko ipagpapalit ang  good values
sapat na itong kayamanan  na dadalhin namin haggang sa pag tanda
kagaya mong bilang isang mabuting tao
mananatili kang idolo  sa mga aming puso

Mahal kita, ikaw lang ang aking AMA.
Happy Father’s day




No comments:

Post a Comment