:O)




Faith, Hope and Love are "the things that last,"

Tuesday, June 12, 2012

Malaya na nga ba tayo?


Malayang nabubuhay ng masagana?
Malayang na aabot ang mga pangarap?
Malayang nakakasabay  sa pag unlad ng ibang bansa?
Malayang napapakinabangan ang sariling likas na yaman?
Malayang ipahayag ang saloobin sa mga mga may kapangyarihan?
Malayang nakukuha ang sapat ng katarungan?
Malayang nakaka kilos na may tamang proteksyon laban sa mapang abuso?
Malayang nakikinabang sa mga buwis ng sambayanan?
Malayang nakatanggap ng edukasyon ang mga kapos palad?
Malaya at tamang Sahod sa pagod ng isang manggagawang si juan?
Malayang naka kuha ng benipisyo sa pag tanda at pag may karamdaman?

Sa pakiramdam ko ang independence day sa pinas isang selebrasyon lamang mula sa pananakop ng mga dayuhan na ginugunita natin taon-taon, pero kung sa ibang aspeto ng kalayaan hindi ko masasabing tayo ay tuluyang malaya, tanggapin man natin oh hindi pa din tayo nakaka ahon sa mga problema na nag papalugmok sa atin sa kahirapan at kasamaan, haggang ngayon may sakit parin tayo sa gobyerno na matagal na nating pinag tititiisan ang mga leaders natin at ay may mga kanya kanyang interest sa pera na dapat sana’y  napupunta sa mga proyekto na makakatulong sa  mga mahihirap. Malaya nga tayo sa pananakop ng iba pero niloloko naman tayo ng sarili nating kalahi, mas masakit at mahirap isipin ang katotohanan, kaya para sakin ang tunay na laban ay ang pag sisikap para sa sarili, matutong lumaban sa hamon ng buhay at huwag iasa ang kapalaran sa karamihan. Ang katuparan ng mga pangarap ang namumula sa sarili. Ganun pa man “Happy independence” sa ating lahat.

No comments:

Post a Comment