:O)




Faith, Hope and Love are "the things that last,"

Monday, May 21, 2012

Who is the real GAGA?


Mainit ang topic ngayon sa TV, sa twitter, sa newspaper, sa FB at ano pa mang uri ng pagpapahayag, at ang nagbabagang paksa? Ay si Lady GAGA ang tinaguriang Mother Monster mula sa industriya ng MUSIKA. Hmmm parang nailihis na naman ang issue natin kay Corona at natakpan na ang kontorbersyal na brawl ng tulfo brothers vs. Santiago at ano pa mang issue meron tayo wala tayong natatapos na issue sa totoo lang...wachaaathink?sinisimulan lang din  natin at hindi na natin alam kung nabigyan ng sulosyon, sabagay mga ordinaryong tao lang tayo para tapusin ang mga napakadaming problema, sa ngayon ito ang trending. Clap,Clap! See? wala na tayong ibang mapagtuunan ng pansin pati ang dayuhang gustong magbigay ng sandaling kasiyahan sa bansa ay inuulan pa ng batikos,ang nakakainis at nakakhiya pa ay ang batuhin sya ng mga bagay na malayo sa katauhan nya,sabagay totoo nga ang kasabihang na "kapag maraming bunga ang puno binabato" 


 isang malaking pagkakamali ang tawagin sya na demonyo or myembro ng satanista at ano-ano pang nakakatakot na tawag sa kanya, ang mga taong ito nasa posisyon sa gobyerno at ang iba ay may katungkulan pa sa simbahan ang syang kumokundena na parang bang sila ang perpekto at banal na nilalang sa mundo, naturingang mga tagasunod ng Dios sila pa ang madaling humusga sa kapwa, ano pa nga ba? nagkalat mga ipokrito at nag proprotesta sila ngayon sa Pasay! Siguro naman aware sya sa linyang ito “he who has not sinned cast the first stone.” Wala ni isa satin ang may karapatan husgahan ang kapwa natin sa mga bagay na nakikita lang natin, nagiging subjective ang mga taong ito kay Lady gaga, Pag ganyan ang fashion sense, demonyo na agad?  Kung ganu! madaming nagkalat na demonyo sa pinas kung yan lang ang basehan natin dahil mas marami ang fashionably tragic dito. Wala yan sa kapal ng Make up or sa custume na kakaiba, nasa kaloob looban yan, malamang di nyo nakita. Kasi sa labas kayo nakatingin... Imbyerna!

 Hindi na tayo umusad sa pananaw natin sa pagbihis at sa taste natin sa musika, si GAGA ay walang pinag kaiba kay Madonna,MJ at iba pa, musika lang naman ang pinapakilala nila sa tao hindi ang impluwensya ng kasamaan, napakaraming problema sa pilipinas ang dapat tutukan ng mga tao, masyado ng mataas ang krimen, kahirapan at at kalamidad sa pinas na nangangailangan ng matinding atensyon at taimtim na pag dadasal,kung sa paghahanap lang ng demonyo madami ang nagkalat nyan dito na kahit di mo tawagin kusang lumalapit no wonder kung bakit sila lagi ang bida sa TV, nakabihis ng desente, at may mga posisyon sa buhay. Sila dapat ang binabato kasi sila ang mga magnanakaw at nagpapahirap sa sambayanan, yan ang realidad na pinamumugaran na tayo ng masasama kahit na ng wala pa yan si lady gaga nag eexist pa din sila, bakit yang mga pinuno sa simbahan di pumunta sa senado para wisikan ng holywater ang mga sinungaling!!! Baka sakaling umusok at matunaw at mabawasan ang demonyo sa pinas. Hindi naman ako die hard fan ni gaga, pero nakakabwisit lang tong ginagawa sa kanya, kasi ang taong hinuhusgahan nila ay isang taong may mabait ng kalaooban, sa katunayan isa sya may malaki ng share sa donasyon sa ibat ibang charity maalala ko lang nag concert sya last year para sa maka tulong sa JAPAN . Ito ba ay Gawain ng isang demonyo? I am sure not.



~do not judge her based on your ignorance.

No comments:

Post a Comment